Monday, April 11, 2011

It's A Manic Monday

I requested a 5-1 shift not to avoid the Manic Monday, gusto ko lang talagang umuwi ng maaga hindi ko nga alam na Manic Monday pala yun. When I arrived in OR, I saw the whiteboard and I was shocked to see na iba yung format ng pagkakasulat ng mga kaso doon, instead of according to scheduled time ang list, nakaarrange by room ung mga case, nagmukha tuloy na konti lang ang case pero when I saw the clip board hala shocking dahil punong-puno sha and for sure OT to the max nanaman ang mga tao.


Anyways, I was placed in the 6am case dahil 5-1 ako, pero nagulat ako dahil ung monster anesthesiologist pala yung may hawak nung case na yun. Ok naman, carry ko na siya at dahil mabilis din yung case sandali lang niya ako nakasama pero kahit ganun, feeling ko nag15k run ako sa dami niyang pinapakuha. Anyways, after that akala ko ok na hindi pa pala, dahil after kong ma-transout yung patient sa PACU, hala nagwala ang patient, to think na intern pa siya ng hospital namin. Ang pangit ng emergence niya sa anesthesia. Sa sobrang lakas niya para kaming nagwrestling at dahil sobrang gulo niya natanggal na rin ung IV niya.

To calm him down, binigyan siya ng nalbuphine thru IM then his IV was reinserted and a propofol was given to him. Akala ko ok na ang lahat tapos umalis na ulet yung anesthesiologist, kaso after 5 minutes hala parang walang epek yung mga gamot at ayun nagwala ulet siya. Binigyan siya ng nalbuphine thru IV naman at another dose of propfol but to no effect pa rin. At dahil nagtaka na yung scrub nurse ko bakit hindi pa ako bumabalik after 30 minutes, sinundan niya ako sa PACU and siya ang pumalit sa akin para magawa ko yung mga charges ng patient. After a while napag-alamanan ko na naka-precedex at propofl drip na yung patient.

Anyways, kahit 5-1 ako na overtime pa rin ako dahil yung dalwang staff sa hapon absent so isa na lang yung 2-10 staff. Anyways ok naman yung mga naging kaso ko: 3 lap chole at isang removal of implant. Akala nga namin sobrang tagal nung removal of implant buti na lang at hindi. Kaso yung isang lap chole namin nag-open dahil sobrang lala na nung patient.

Anyways, after that day, napaisip kami paano pa kaya kami after mag end of contract yung apat na casuals namin. Siguradong patayan nanaman ito sa OT.

No comments:

Post a Comment