Dahil sa sunod-sunod na atraso ni Sir J.A sa akin tuwing siya ang HNOD, lalong lumalalim ang pagkaasar ko sa kanya. Kahit wala namang alitan sa aming dalawa nagmumukha tuloy na meron pero palihim lang ang lahat.
Kasi naman hindi ko alam kung may galit din siya sa akin o sadyang favorite lang niya ako na apihin. Patong-patong na talaga yung mga kasalanan niya tuwing nagHHNOD siya, parati na lang ako, napapansin ko lang naman.
Anyways, itong latest na pagHHNOD niya, ako nanaman ang nasagasaan. Asar na talaga ako sa kanya. Imagine andami niyang staff sa umaga at konti lang ang kaso pero hindi siya nagpa-adjust para sana walang ma-OT na 6-2. Tapos dahil andami ngang staff na available, yung ibang staff naka-double scrub or circulating sa mga kaso. Eto naman ako, obviously nung nakita ko ung kaso ko alam ko na na maOOT ako dahil yung last case ko ay CD case ng ortho at matagal silang gumawa. Pero dahil yung kasama ko e maguundertime, minamadali namin yung case namin. First case namin e yung 2nd knee arthroscopy ni Dr. M. Nakakagulat dahil within 10 minutes natapos kami agad so nung patapos na kami pinapasundo na namin yung sa CD para matapos na rin before 1pm pero imbes na ipahatid na niya, binigay niya sa amin yung emergency Lap Appendectomy. Sa isip ko bakit hindi ung mga naka-double scrub at circu yung i-utilize niyang staff, bakit kami pa?
Anyways, after nung Lap AP namin pinasundo naman niya yung CD case pero sobrang bilis ng pangyayari so hindi na ako nakapag-lunch pa. Buti na nga lang at mabilis rin yung mga Anesthesiologist Resident sa pagaanesthesize sa patient at pati ung mga resident ng Ortho mabilis din gumawa so sandali lang yung na-OT ko.
Anyways, maliban sa mga asar ko kay Sir J.A, may isang tao rin ang naasar sa kanya nung araw na yun, si Sir Ge. Ang masaklap nga lang sa akin niya binuhos yung galit niya. Kasi naman pinasundo na nila yung patient for the 3rd case ng knee arthroscopy, e matagal pa siya, so imbes na ibalik sa kwarto yung patient, itinambay lang siya sa isang suite room habang naghihintay ng kanayang turn. E may antibiotics na dapat ibigay sa kanya, e si Sir Ge strict pagdating sa gamot kaya nung inendorse na sa kanya hala naasar siya at kung anu-ano ang tinanong sa akin regarding sa gamot. Kung hindi pa ba expire yung gamot, bakit hindi pa binibigay, sino yung intern na nagbasa nung skin test and many more. E natotoxic na nga rin ako kasi ipapasok na ung emergency lap AP namin so sabi ko na lang sa kanya na 24 hours bago ma-expire yung gamot. Buti na nga lang at nakasulat din yun sa bote nung antibiotics.
Hay basta ang gulo nung araw na yun. Pero buti rin at nagsorry after si Sir Ge sa akin at nakuha ko naman yung point niya. Gusto ko sanang sabihin na sana next time wag niya sa akin ibuhos galit niya dahil hindi ko rin naman kasalanan kung bakit sinundo na yung patient niya. Inutusan lang ako. Pero I just kept quiet baka saan pa mahantong ang usapan e.
After that, akala ko naman mahihintay ako ni Sir Ge dahil by 3pm tapos na siya, e ako naman patapos na rin, closing na nga kami pero hindi pa rin niya ako hinintay. Sa isip ko grabe naman siya kung ako nga dalawang oras ang inuubos para lang hintayin sioya tapos siya 30minutes lang hindi pa niya magawa.
In the end si Rain na lang ang hinintay ko. Parehas rin kasi ang way namin pauwi at nagsabi siyang hintayin na ako. So hinintay ko na siya at habang naghihintay sa kanya, ayun nakifree wi-fi muna ako sa PACU. Ang swerte nila dahil may free wi-fi sa kanila. Hehe :)
No comments:
Post a Comment