Showing posts with label colon surgery. Show all posts
Showing posts with label colon surgery. Show all posts

Wednesday, April 20, 2011

I'm on the 2-10 Shift

Masaya sana ang 2-10 shift ngayon, dahil mga friends ko ang kasama ko, si Mam Barney at Mam Kim tapos ang HNOD namin ay si Mam TJ pero alam ko rin na imposibleng magkausap-usap kami dahil halos lahat ng kaso nasa hapon at hindi nga ako nagkamali, natapos lang ang mga kaso namin around 9:30pm na so ung bonding moments namin, ayun hindi na natuloy.

Nakakatuwa pa kasi pinaguusapan namin na baka hindi kami makapagusap ng maayos dahil si Sir JA kahit na 6-2 shift e hindi umalis at bantayan itong si Mam Kim.

Anyways, my case for today was the emergency ex-lap of a 2months old baby boy. Hindi ko nga lang alam kung ano ba talaga yung case namin pero yung ang laki kasi ng tiyan nung baby, nagkaroon ata ng intussusception tapos ang weird pa dahil yung intestines nya nakadikit pa talaga sa liver nya. Naawa nga ako sa kanya, ang bata pa pero ganun na yung nangyari sa kanya.

Anyways, okay yung case ko pati nga yugn anesthesiologist ko okay si Dr. Froi kasi ang ayoko lang yung surgeon, hindi naman kasi sya kagalingan pero kung makareklamo parang ewan lang. Ang daming demands tapos sarcastic pa kung mag-comment. Sana nga kay Dr. D or Dr. L na lang napunta yung patient e.

Anyways, hindi pa tapos yung case ko, pinalipat na ako ni Mam TJ ng case, sa URS na daw ako dahil lahat andun na, ako na lang daw ang wala. E sa sobrang bilis ng procedure na yun, wala tuloy akong nasulat sa chart ng patient so lahat yun ginawa ko na lang sa PACU.

After that, pina-relieve na sa akin yung circulating nurse na nasa tympano-mastoidectomy case. Si Mam Kim naman ang nagrelieve dun sa scrub nurse. Buti na nga lang at wala si Sir JA kundi baka magkaroon nanaman kami ng issue.

After that, nagstay ako sa OR at dun natulog per Mam barney's request dahil supposedly iinom kami ng tea sa SB pero dhail parehas kaming dukha bumili na lang kami ng tea sa 7-Eleven.

Thursday, March 24, 2011

Colon Surgery and Tap of War

Dahil si Sir J.A ang HNOD ng 2-10, nagrequest ulet ako na magpa5-1 kahit na colon surgery pa ni Dr. O yung case kesa naman maging staff ako ni J.A at abusuhin pa nya kabaitan ko. Okay naman yung surgeon pero na-trauma na ata ako sa kanya at mas pipiliin ko pang mag-scrub kay Monster Surgeon A kesa sa kanya.

Anyways, to follow yung case ko today. Dalawang colon surgery at okay lang sa akin yun. Okay rin yung circulating nurse ko, sa una ay si Sir J yung pangalawa si Sir Ge na. Pero in the middle of the first operation, biglang humirit itong si Sir J na kami na rin dun sa pangalawa. Sabi ko ayoko dahil everytime na sya ang circulating nasstress ako at hindi maka-focus. Pumasok rin si Sir Ge at nagsabing kung pwede sya na lang dahil anong oras na wala pa rin syang first case pero ayaw magpatinag nitong si Sir J. In the end, nasunod pa rin si Sir J, iba talaga nagagawa kapag senior ka.

Anyways, okay naman yung colon surgery namin pero sa dulo naramdaman kong wala pa rin akong kwenta sa pag-sscrub. Sabi nga ni Sir J parang sa una trial and error ako, nagprapractice, sa pangalawa ganun pa rin daw. Nakakasakit ng pride pero feeling ko tama naman siya.

Si Sir Ge naman dahil sa hindi na sya nag kasama ko sa second colon surgery, kung san san napunta, in the end may 1pm case pa sya na MRM. At dahil sabi ko hihintayin ko sya, so hinintay ko sya kahit ang tagal ng operation nila.

Habang naghihintay, itong si Sir A naman e hinamon ako sa isang laro, Tap of War. Minsan hindi ko alam kung san nanggagaling ang yabang ng taong ito at dahil gusto ko syang matalo tinanggap ko yung hamon niya. Pero sadya ata syang magaling kaya kahit ilang beses kaming maglaro talo ako. Pero nung hinamon ko syang kaliwang kamay lang ang gagamitin hala natalo ko ang mokong.


Tap of War
Anyways, dahil malapit na ang alis ng misis ni Sir Ge papuntang US, parati syang nagmamadaling umuwi pero parati naman syang na-OOT. Kanina nga dapat magmemeet pa sila para sabay silang umuwi pero dahil overtime nga sya hindi na sila nagsabay.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...