Today is the last day of my 8-day straight duty and what is the best way to cap it off is to be the solo circulating nurse in the CABG. Kamusta naman unfair kung unfair ang nangyari supposedly dapat yung mga from off or double off yung ilalagay diyan pero dahil ni-request ni Sir J na ako ang circulating e d ako na nga ang napunta. But I guess ok na rin yun dahil at least ako tahimik ang buhay ko sa suite room 8 doing circulating job in the heart surgery, while other staff were being toxic to their cases. Aside from that one case lang yung napunta sa akin dahil heavy case nga yung open heart surgery while some have three or more dahil toxic nga rin nung araw na yun.
Anyways, last time second circu lang ako pero isang linggo ako namroblema so this time around, sabi ko aayusin ko ang trabaho ko lalo na sa pagccharge ng mga supplies na nagamit para hindi ako ma-question and yun nga okay naman lahat, everything went smoothly until nung bago kami mag-trans-out to PACU. Kasi naman mali rin ako, in the middle of the surgery, siyempre swabe na ako ulet unfortunately nakalimutan kong ireview yung chart nung patient so nung patapos na sila doon ko lang narealize na hindi ko pa pla nagagawa yun, buti na nga lang at mabait yung PACU nurse na naka-assign sa akin. Hindi niya ako tinoxic :) Buti rin at mabait yung anesthesiologist ko at hindi yung mga toxic na anesthesiologist kung hindi lagot talaga ako.
No comments:
Post a Comment