Saturday, April 9, 2011

A Little Errand From Sir Ge

Dahil na ot nga ako kanina, mga 11am na ako nakauwi at mga 12 na ako nakatulog. Around 3pm nagising ako and to my surprise tinatawagan pala ako ni Sir Ge. Ever since nagkaanak sya madalang na syang tumawag sa akin, most of the time ako ang tumatawag sa kanya so nagulat talaga ako. And as usual feeling ko may kasalanan nanaman akong nagawa dahil bakit sya tatawag.

Anyways, I called him back but to no avail. But regardless gumising na ako at nag-prepare dahil Saturday nga at may usapan kami ni Jops na ang theme namin for tonight is street food so I still need to buy those foods na naka-assigned sa akin. After a while tumawag ulet itong si Sir Ge and pinapapunta nya ako sa kanila, sa bagong bahay nila at bilisan ko daw.

After 30 minutes nakarating din naman ako sa kanila and supposedly uutusan lang pala niya akong tulungan siyang magbuhat ng bigas niya paakyat ng bahay nila. Akala ko nung sinabi nya yun sa phone e joke lang, yun pala totoo, pero dahil late nga ako dumating, yung taxi driver na lang yung inutusan nya na mag-akyat ng bigas. 

Anyways, isa pa palang goal nya e para makapasok na ako sa bagong bahay niya. Kinukulit ko kasi sya na sana naman makapasok na ako sa bahay nila pero parating hindi pwede dahil parating may tao sa bahay nila, kung hindi yung misis nya, yung nanay naman niya.

Anyways, tama nga siya, maliit lang yung bahay nila and medyo masikip although feeling ko dahil lang yun sa hindi pa organize yung mga gamit nila. Parang mas bagay ngang bachelor's pad yun kaysa sa for family e. Anyways konting linis at ayos lang ng gamit at itapon lang nila yung mga gamit na hindi naman kelangan luluwag rin yung bahay nila.

After that, sinamahan ko syang magbayad ng credit card niya sa SM then sinamahan naman niya akong bumili ng contact lens solution after. Tapos diretso na kami sa Novaliches para maglaro doon. Buti na nga lang at doon din yung bagsak namin dahil mas maraming nagbebenta ng mga street foods doon at least hitting two birds with one stone ang nangyari sa akin, nakapaglaro na kami ni Sir Ge, nakabili pa ako ng mga kelangan ko for the night duty food tripping namin.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...