It's Saturday once again and our theme for tonight's duty is Street Food. And for the sake of no emergency case, Jops and I decided that each of us should bring something because we realized that if only one of us bring something, magkakaroon at magkakaroon kami ng case. Or if we don't bring any at all meron pa rin. So this time around both of us should bring something. I'm in charge of bringing the fishball, squid ball and kwek-kwek while Jops is the one responsible for the chicken and pork isaw.
Anyways, as usual late nanaman ako pero pagdating ko doon wala pa rin itong si Jops. After 40minutes dumating din siya together with Sir A and Sir P.J Hindi naman sila invited pero dahil andunna sila ininvite na rin namin sila. Yung mga inimbitahan namin, sila naman yung wala, although Benj came with mangga with bagoong.
Anyways, I realized na effective talaga ang pagdadala ng food every night dahil this time around hindi na kami nagkaroon ng case, although napull out naman itong si Jops sa DR-Pay dahil nagkaroon sila ng emergency CS.
Anyways, ambilis naubos ng food namin dahil andami ngang uninvited guests so in the end (ng umuwi na at natulog na ang mga uninvited guests) nagkwentuhan na lang kami nila Benj at Jops sa workroom at around 4:30 in the morning na ng magdecide kaming matulog dahil hindi na namin kaya.
Around 6 in the morning dumating na itong si Rain, na supposedly ka-COS ni Chia pero maya-maya biglang nagtext si Sir R na sya daw ka-COS ni Chia at parating na sya. Ayun nagulantang ang mga katauhan kung sino ba talaga, in the end ang naevict ay si Rain at dahil sobrang nabad trip si Rain dahil sayang lang ang effort niya, Jops and I decided to accompany her somewhere para hindi na sya umuwi. We decided to have a cup of tea in Tomas Morato.
As usual kapag mga juniors lang ang magkakasama, andami naming napagkwekwentuhan, love story ng mga tao sa OR, mga experience namin from different monster surgeons atbp.
After almost two hours of sipping our teas, we decided to change location: Bannaple. Dahil sobrang aga pa at akala namin 10am nagbubukas ang establishment ayun dumating kami dun na sarado pa. After 30minutes nag-open din sila and we ordered Banoffee pie, Double CHocolate Tiramisu Cheesecake at Baked Creamy Cheesy Penne.
After that naglakad kami papuntang National Bookstore sa may Quezon Avenue. Syempre hindi pa rin naubos ang kwentuhan namin. Ito yung mga araw na gusto ko, yung tipong nag-eenjoy ka lang, walang stress at kasama mo lang ang mga taong hindi stressful. Talking anything, everything under the sun without any pressure. It's nice knowing some people like them.
No comments:
Post a Comment